Sunday, March 22, 2009

hulaan mo

chez: babalik na ako sa dati ko
cha: sabi mo ayaw mo na
chez: kami na ulet
cha: ilang beses na kau nagkabalikan nyan ah, sa susunod hindi na ako maniniwala sayo
chez: eh masarap kasi siya, hindi ko mapigilan
cha: talaga? sige patikim nga
chez: sige hati tayo
----- Spare ribs ------

Monday, September 1, 2008

For the First Time

Kung iniisip mong ang blog na ito ay tungkol sa hyped na pelikula ni Chard at KC (uy, close haha), nagkakamali ka.


Babala: Ma-drama ang mga susunod mong mababasa. . .


Ito ang kauna-unahan kong blog. Nakakaiyak . . .huhuhu . . . Sa tinagal-tagal na naririnig ko ang tungkol sa blogging, ngayon ko lang naranasan na sumulat dito. Parang nakakahiya na ewan. Sana huwag niyo kong laitin haha. Dati akala ko kalokohan lang o walang kwenta ang blogging ngunit nagkamali ako. WRONG MISTAKE na naman! hehe


Ah, hindi rin pala kauna-unahan, kasi nakagawa na rin ako ng blog sa isang subject ko sa iskul, pero medyo may pagka-pormal yun dahil may mga kailangan akong sundin na requirements kaya ginawa ko yun. Kaya ito ang unang maituturing kong sarili kong blog . . .(iyak ulit. . . huhuhu) Salamat sa aking mahal na guro na nagmulat sa aking kamalayan sa kagandahan ng blogging.


Noong una kaming gumawa ng blog sa klase, tangang-tanga ako! (hanggang ngayon naman) Pero unti-unti kong nakita ang sarili ko na nabibighani sa paggawa nito at ako ay nawili sa madaling salita. Hindi ko inaakalang mangyayari yun, ngunit nangyari ang hindi inaasahan, heto ako ngayon at gumawa ng sarili kong blog! (iyak na naman . . .huhuhu)


Pero hindi na rin ako nagtaka na naakit ako nitong blogging, mahilig kasi akong magsulat. (Yun ang alam ko ha) Kaya natutuwa din ako dahil nagkaroon pa ako ng panibagong paraan ng pagsusulat (o pagtata-type kung ano gusto mo hehe)

Basta alam ko hindi ito ang magiging huling blog ko dito . . . abangan ang susunod na kabanata.

Salamat sa pagbabasa.